Babalik ka na naman ng Tacloban? Hindi ka pa nakakapagpahinga a.
Hindi ako sumagot.
Hindi pa rin tapos 'yung mga trabaho mo. Pinagpatong-patong na 'yang mga kelangan mo tapusin sa office.
Tahimik pa rin ako.
Baka magkasakit ka na niyan sa ginagawa mo.
Nalaman mo na lang 'yung negosasyon ng pagbalik ko sa Tacloban noong binisita mo ako sa office. Nilagay ko na kasi sa kalendaryo ko yung posibleng mga araw na nasa Tacloban ako.
Buti na lamang at wala na 'yung mga kaopisina ko. Para akong may magulang na nangangaral. Kulang na lang, ipaalala mo sa akin na uminom ng multivitamins at magpalit ng damit kapag basa na ang kamiseta ng pawis.
Dalawang araw lang ako doon. Kailangan lang. Alam ko naman na alam mo na sa ganito nabubuhay ang dugo ko.
Alam ko. Nag-aalala lang naman ako sayo, mahinahon mong sabi.Tingnan mo yang listahan ng gagawin mo sa linggo bago ka umalis at sa linggo matapos kang mag-Tacloban. Hindi ka naman matutulog niyan.
Ngumiti ako. Tapos ngumisi na parang aso.
Nagpapaka-aso ka na naman. Hindi ka talaga matinong kausap no!
Nakangisi pa rin ako na parang aso.
Gago ka, sabi mo.
Pikon talo, bulyaw ko. May mountain dew ako diyan na in can. Saka hopiang monggo. Magmeryenda ka muna.
Binuksan mo ang mountain dew at sinimulang tirahin ang hopia.
Sometimes, people asked us certain queries about ourselves, our whereabouts, what are we busy about because they care. Especially in times when they frequently see us that we're like machine-operated robots na walang tigil sa pagtatrabaho, walang tigil sa ating mga kung anu-ano ngunit may kabuluhang ginagawa. Bottomline, in most cases, they are just concern of our well being. A typical Filipino trait of being maaalalahanin. And we should be thankful about that and not treat as people who bug us for nothing.
ReplyDeleteHi ser jay. Ang sarap nga ng ganung pakiramdam --yung naalala at nag aalala ang kaibigan para sayo :)
DeleteAwwww... ang sweet... somebody cares... nakakatuwa ang sermon. Kaibigan nga lang ba? Parang nanay mo eh... hehehe
ReplyDeleteLaging may nag-aalala at nagmamahal sa atin senyor :)
Deletesomeone is concern about you! ayos hehehe. oo nga naman, alagaan ang sarili. baka magkasakit. sermon din? lol
ReplyDeleteHaha. Sermon nga? Salamat ser bino sa paalala. Magandang umaga!
DeleteNalungkot ako sa kuwento. Hindi ko alam kung bakit.
ReplyDeleteMalungkot nga.
DeleteAyiieee... Gusto mo magpakamatay?! Pwede mag-rest! Lols.. #nakikisermondin hahaha.... May concern, minsan ang sarap abusuhin kasi ang sarap ulit ulitin ang feeling na malamang may concern. pero hanggang kelan? Hanggang san? Bakit? #pessimistic #nega hehehe... Thank you for continuously helping the people of tacloban, gusto ko din kaso di pa pwede. Di pa ko pinapayagan :/
ReplyDelete#DamingHashTag
DeleteAng sweet lang ha. Pati ako kinilig dun. :)
ReplyDeleteHahahaha! Pano kung sabihin kong hindi to totoo? :P
DeleteMami-miss ko ang pakiramdam na may gumaganyan din sa akin. :(
ReplyDeleteWala na ba sepsep?
Deleteyihiiiiiiiii...
ReplyDeleteO ha! Para maiba naman tone ng post ko. Haha!
DeleteDi ko alam kung napost comment ko -.-
ReplyDeleteMukhang hindi. LOL
DeleteAy hindi pala! hahaha, Again from the start..
ReplyDeleteSarap talaga ng feeling ng may naggaganyan sau. tsk. you are so blessed palekoy.
Dapat pala, ang title ng post ko ay "Lambing" LOL
Deletesir may extra bang mountain dew at hopia.. ang sweet.
ReplyDeleteTara sa opisina. Lol.
Delete