Friday, November 22, 2013

Iyon ang gabing parang tayong dalawa pero hindi

Inabutan mo ako kanina ng kape. Sabi ko, Mas maaappreciate ko ang red horse.

Sira! Tapusin mo na yang research proposal na yan, sabi mo. Sabay balik sa pagbabasa ng nobela ni Anne Rice tungkol sa mga madreng nagsusubok magligtas ng mga anghel sa mundo ng tao. 

Hinayaan mo lang ako magtrabaho sa espasyo ko sa hotel room natin sa Tagaytay.


Halos labing dalawang taon na ang nakaraan noong niligawan kita. At binasted mo ako. Una at huling pagpusta ko iyon sa pagkakaibigan natin. Hindi tayo nagkibuan ng limang linggo.

Nagkabati na lang tayo noong tumakbo ka sa akin na umiiyak dahil pinilit ka ng HE teacher natin noong highschool na gilitan ng leeg ang buhay na manok na dinala niya sa klase para lutuin ninyo. Ayaw mo pumatay ng manok. Niyakap lang kita. Umiyak ka lang.

Nang mahimasmasan ka, sinabi mo, Sorry ha.

Sumagot ako ng, Sorry din.

Nakakatawa kung paanong ngayon lang ulit tayo nagkita matapos nating grumadweyt sa highschool. Sa kasal ng barkada natin. Abay ka. Ako naman ay regular na bisita lang. Matapos ang kasal ng kaibigan natin, nagkayayaan tayo na maghotel. Para tumagal pa ng isang araw ang paglagi natin sa Tagaytay. Para masulit lang ang weekend bago bumalik sa tunay nating mga buhay. Ikaw, sa isang IT company sa labas ng bansa. Ako sa unibersidad sa may Kamaynilaan.

Habang nagsusulat ako laptop, bigla mong sinabi, Gusto ko ng balot. Pabiro kitang tinanong kung naglilihi ka ba? Sinagot mo ako ng, Ulol! 

Lumabas tayo kahit hating gabi na. Walang taxi sa Tagaytay. Wala ring mga jeep at tricycle sa disoras ng gabi. Nilakad natin ang madilim na highway para hanapin ang balot mo. Tinanong kita kung kumusta na kayo ng boyfriend mo. Sabi mo, Okay lang naman. Tinanong kita kung kelan niyo balak magpakasal.. Sabi mo, Wala pa yata siyang plano. Mahina loob noon na gumawa ng mabibigat na desisyon. Nagkomento lang ako na, Tumatanda na tayo. Niyakap mo ang kaliwa kong braso at sinabing, Alam ko. Pero mahal ko yung boyfriend kong yon. Kaya pa namang maghintay.

Nabili natin ang balot mo. Bumalik tayo sa hotel room. At natulog sa magkahiwalay na kama.




33 comments:

  1. pak! your loving you friend but you cant be together ganung shiz..

    ReplyDelete
  2. so ngayong nasa totoong buhay na ulit, kumusta ka na sir ops? at inaamin mo nang tumatanda ka na? wrong move! haha

    at bakit kayo natulog? bat hiwalay? buhay pa ba yung HE teacher na yun? ang mean nya kasi! hindi dapat pinipilit ang ayaw... ayoko lng maglinger sa love story na nakapaloob.. kainis eh! hahaha...

    ReplyDelete
  3. Sabi nga sa kanta, there's a fine line between a lover and a friend. ;)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi ba, pragmatically blurred ang line ng dalawang yan? :P

      Delete
  4. Isa pinaka masaklap yang mga ganyan. Yung alam mong bagay kayo at you'll be a perfect couple but you just couldn't. ang sakit ng ganun. Tapos sa araw araw mo siyang makakasama araw araw rin niyang ipapaalala sayo yun.

    ReplyDelete
  5. wala akong masabi.. isang buntong hininga lang ang kayo ko ireact... :(

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kalimitan talaga, malalim na buntong hininga, okay na bilang reaksyon sa mga ganyang sitwasyon.

      Delete
  6. as sad as it may seem pero always remember this

    the best thing about being "Just" friends is that you can always be there without the complications and just to simply enjoy each others company

    ReplyDelete
  7. may tagos sa butong effect! hirap ng sitwasyon na yan

    ReplyDelete
  8. Kung dito yung setting niyo sa Pateros, nakakuha agad kayong Balut. lols
    May nafefeel ka pa ba Sir sa kanya?

    ReplyDelete
  9. at least may isang gabi na naging parang kayong dalawa - minus the you know :)

    makakahanap ka din ng para sayo Overthinker, na magiging kasama mo sa pagtanda :)

    ReplyDelete
  10. Boom! Parekoy , oks ka lng hihihi, medyo late na ako sa buhay mo hihihi , mishew parekoy , mukhang ilang buwan k ng emo hihi

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ikaw e. Di mo na binibisita espasyo ko. Busy sa trabaho?

      Delete
  11. ser.... huhuhuhu T_T

    gentleman talaga kayo ser. di nyo sinamantala ang pagkakataon na kayong dalawa lng :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Di naman talaga kailangan manamantala ng pagkakataon. Respeto yun sa sarili at sa kapwa :)

      Delete
  12. haha. medyo close minded ako habang binabasa to. ibang kwento tuloy ang naiisip ko. :P

    ReplyDelete
  13. lungkot. kapapalit ko lang ng blog layout ko peo parang guto ko ibalik un sa black dahil d2. very touching.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ginoong jei, ive been reading some of your posts. Maganda yung introspective tone ng mga sinusulat mo :)

      Delete