Sunday, September 29, 2013

Hangover

Siguro, kung alam ko lang paano mag-alaga ng nagmamahal sa akin, may kasama ako ngayon habang nilalamay ang mga research proposal na ipapakita sa makalawa.

Siguro, pinagtitimpla mo ako ngayon ng kapeng barako. At hinainan ng biskoti. Ngingiti siguro ako ng matamis na matamis. Tapos sabay pipisilin mo ako sa pisngi at sasabihin na kaya ko to.

Siguro kahit alas dos na ng madaling araw, kasama pa rin kita. Marahil nakatulog ka na habang nakaupo sa may sofa. Siguro, pipilitin mong samahan ako para tapusin tong mga trabaho ko kahit sumusuko na ako. Siguro sasabihin mo sa akin na maghihintay ka sa bahay ko hanggang matapos ko ang mga papeles na tinitipa ko. At siguro gagawin ko ang lahat para matapos to at para hindi ka mahirapan na natutulog sa may sofa ng bahay ko.

Siguro, matatapos ko talaga itong trabaho ko. Tapos yayakapin kita. Tapos ngingitian mo ako. At hahalikan sa pisngi at sasabihin na di ba kaya ko talaga. Siguro, ngingiti ulit ako ng malaki at sasabihin salamat.

Siguro kung alam ko lang paano mag-alaga ng nagmamahal sa akin, kahit anong bigat ng bago kong trabaho, nakangiti pa rin ako araw-araw dahil alam kong nandiyan ka.

44 comments:

  1. gumaganyan ka? hehehe isipin mo nalang ng isipin baka makatulong sau na mamotivate na tapusin yang paper mo. lol oo nga dapat tapusin mo na yan kasi baka mangangamoy papel nalang yan! hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi siya ,angangamoy papel. Electronic copy kaya siya :p

      Delete
  2. Siguro kung iisipin mo na lang na hindi mo naman kelangan ng lovelife para maging masaya, mas magiging positibo ang iyong pananaw.

    Pero may point ka din. Minsan, mas madaling harapin ang mga mahihirap na bagay kung meron kang mahihingahan ng stress. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahahaha. So ano ba talaga ser sepsep? May lablayp o wala? :)

      Delete
    2. Mukhang matagal na paliwanagan at pagninilaynilay yan a. Hahaha

      Delete
  3. malay naman natin ser, natrapik lang ang para talaga sa iyo. ako nga din naghihintay ng tao'ng makaksama habang buhay eh. medyo sawi lang for now. hahaha

    ReplyDelete
  4. di ba nga? ahaha. pero ok lang yan Sir, malay mo bukas makalawa nandyan na sya lolz.

    ReplyDelete
    Replies
    1. May mga dumadating pero di ko gusto. Hoho. Ang feeling gwapo ko lang :p

      Delete
    2. ganun ba? hmmmmm basta tagay na lang lolz...

      Delete
  5. We live and we learn.

    ReplyDelete
  6. haynaku ser op, i can related much much. eto yung mga araw na sana ay may kasama at karamay sa mga bagay-bagay. taong magsasabi sayo na, 'pinili mo yan, kayanin mo yan," sabay mwuah mwuah tsup tsup, tapos ihaharap kana ulit sa trabaho mo..hehe.. eh ganun tlga, kapit lang.. wala pa sya eh.. as for kung marunong mag-alaga sa mga taong magmamahal satin, i guess, lahat naman tayo marunong nyan. we are all designed for it. katulad nga lang ng individual differences, iba-iba rin ang pamamaraan ng pagpaparamdam. darating din yun, pa-ice cream ka ah! hahaha

    powerhugs!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi ba dapat ako ililibre niyo pag dumating siyaDahil sakit lang sa ulo ang ganyang shiz.

      Delete
    2. may point, pero bakit may pangungulila......

      Delete
    3. kasi may pangangailangan? hahahahaha....

      Delete
    4. Lagi naman may pangangailangan. Kelangan lang ibalido kung importante at dapat bang i-entertain ang mga pangangailangan na ganyan.

      Delete
  7. Naku hindi totoo 'yan... mas okay mag-isa at walang minamahal... Walang sakit sa ulo... hehehe...

    ReplyDelete
  8. Uy ako yan ah. Charot!

    Ganyan kasi ako. *buhat buhat din ng bangko* Hahahaha!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Eh yun nga lang walang may gusto ng katamisan ko. Lels

      Pag nabibisita kita hindi ko talaga maiwasang itanong sa sarili ko. Matagal na tong bumabagabag sa isip at puso ko eh, gustong gusto na sanang malaman ang totoo kaya lang minsan takot akong magtanong sayo. Kaya lalakasan ko na ang loob ko

      Maari ko bang malaman kung hindi pa rin ba ubos yang iniinom mo?

      Delete
    2. Hahaha! Ser nomad, ang dami kong tawa!

      Ang light ng mood mo ngayon a. Kumpara sa mahabang diskusyon ng reply sa espasyo mo. Hahahaha!

      Delete
    3. Hehehehe! Eh kasi lagi ko talaga tinitignan yang pic mo tas naiisip ko di kaya kabagin to sipsip ng sipsip. Minsan naman nag aalala ako sayo kasi baka pati straw masipsip mo na. Hahahaha!

      Ah yun ba? Sus! Wala yun di ko naman sineryoso at dinibdib yun nagpapaliwanag lang ako ksi mukang di niya naintindihan yung gusto ko iparating.

      Kawawa ka naman minsan nga ililibre kita ng drinks pra iba naman yang sinisipsip mo :p

      Katuwa naman natawa ka sakin :)

      Wag mo na pala ako tawaging sir nomad na lang baka utusan pa kitang magtimpla ng kape diyan eh. Joke! Hehe

      Delete
    4. Mukhang nagbago ka ng DP a. Alien ka na yata ngayon :)

      Delete
    5. babababababa? bababababa! ba babab bababab?!

      bebabibabebababebi

      babu :)

      Delete
  9. gusto ko kung paano mo isinalin ang pag-ibig sa hang-over..
    ika nga nila siguro kung naging andito ka magiging maayos din ang lahat...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi ser axl! Grabe. Nastar struck sko sa pagkomento mo. Hahaha. *bow*

      Salamat salamat :)

      Delete
  10. Ewan ko ba, parang ang sweet sweet ng post na ito. Kahit walang specific na tao na tinutukoy.

    ReplyDelete
  11. Sa ngayong wala na ang pwedeng gumawa o wala pa ang gagawa nyan sa iyo, sa friends at family ka muna makakarinig ng ganyan :) Wala nga lang ung lambing lambing portion, pero okay na. Reserved na yun para sa pagdating ng magsasabi ng mga iyan sayo :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha. Natawa ako sa lambing lambing. Hahahahaha.

      Ang tatay ko makarinyo. Malambing kaya ayos din :)

      Delete
  12. Nakarelate ako dito. Lagi ko nga yakap unan bago matulog habang iniisip siya. Haha.

    Stress reliever talaga sila. Kaso hanggang daydream lang tayo. Waah.

    ReplyDelete
    Replies
    1. So, anong pangalan ng unan na yan? kung meron nyan sa tindahan, bibili din ako! hahaha

      Delete
    2. Gord, kelangan talagang unan? Hindi ba pwedeng isip lang?

      Delete
    3. Kelangan ng props para mas nararamdaman! Hahaha.

      Delete
  13. Ang drama naman hihi :3
    Parang ang lalim ng pinaghugutan!

    ReplyDelete
  14. Iniisip ko masarap isipin na may taong gagawa niyan sayo.. motivation ba. kaso wala eh..

    ReplyDelete